BuladaSphere

The Pinoy Blogoshere's Social Bilibid

Ang sakit-sakit ng paa ko ngayong araw na to pero ayos lang, madaming calories ang nasunog sa akin. haha. Papunta pa lang ng RFC eh naglakad na kami, nasa isang kilometro siguro ang nilakad namin ni ina. Ayun, alay lakad kami. tapos pagsakay ng bus na ordinary, standing ovation naman. Siguro hanggang Baclaran kong tinayuan ang mga nakaupo. Hay ano ba to, nahihilo ako, anyway, ayun, buti na lang madaming nagbabaan pagdating ng baclaran. Pagbaba namin Ayala Boulevard, interview ko kasi sa Technological University of the Philippines, eh onti lang naman ang lalakarin. Nakakainis!! Bakit ba nalimutan ko pa yung report card ko!!! Napakalaki ko talagang tanga!! Buti na lang mabait ung magiinterview, interview nga ba? Sabi bumalik na lang daw ako sa Lunes. haayyy, edi panibago nanamang pamasahe yun? Naku, ayun, tinuro ko kay mama kung saan yung Technological Insttiute of the Philippines, ngayon nya lang daw yun nakita kahit dun sya lumaki. haha. Ayun, nilakad namin un, ang layo, tapos nakarubber shoes pa ko na sakto sa paa ko. Ang sakit-sakit na ng paa ko lalo na yung hinliliit ko.haha.Walang kwentang blog. sige

Share 

Comment

You need to be a member of BuladaSphere to add comments!

Join this Ning Network

© 2009   Created by Gugol Supreme on Ning.   Create a Ning Network!

Badges  |  Report an Issue  |  Privacy  |  Terms of Service