Humupa na ang kulog at kidlat dito sa UAE, pero wari'y nagbabadya ang unos... nagbabadyang pasyalan at daanan ako ng unos.......ng sarili kong unos. kahapon, nagpunta ako sa simbahan kasama si Jen at ang iba pang kasali sa Music Ministry upang muli ay mag ensayo para sa nalalapit na aming pagkanta sa misa. Masarap at masaya ang pakiramdam ko kapag ako ay kumakanta. panandalian kong nalilimutan ang mga sakit at paghihirap na aking nararamdaman, panandalian kong nakakaligtaan ang aking mga suliranin at alalahanin sa buhay. Masarap ang pakiramdam kapag umawit ka para sa Panginoon. Matagal ko ring kinaligtaan ito.. itinago sa kailaliman ng puso ko kahit na ito yung pinakagusto kong gawin sa buong buhay ko. i stopped singing 8 years ago.. ngayon lamang ulit bumalik ung passion ko for that, kung bakit... sa ibang kwento na lang yun...nalilihis na ko sa gusto kong tumbukin.
inabot ng mahigit kumulang 4 na oras ang praktis namin kahapon. nagkakaron ako ng problema dahil dati akong nasa Soprano 1, nang bigla akong malipat sa Alto.. yun ay dahil sa pagmamaganda ko na di naman talaga kagandahan. kulang kami ng tao para sa Alto kaya mega volounteer ako na lumipat, kaya ngayon hirap na hirap ako mag adjust, pero i take it as a challenge. bahala na! bahala na si tinky winky ng teletubbies. matapos ang praktis, nagtungo kami sa isang filipino resto ni Jen upang lumamon ng kaunti bago umatend ng misa. nagkakwentuhan ng kaunti. medyo hindi maganda ang pakiramdam ko, tulad ng dati, i have to put on this smiling mask that i have, ayokong mahalata ni Jen na may dinaramdam na naman ako, ayokong magtanong sya, ayokong pag-usapan. kaya shempre, mega tawa na naman ako para hindi sya mag-isip ng kakaiba, all the while, kasalukuyang binabagyo ang kalooban ko ng iba't-ibang emosyon na hindi ko maintindihan. matapos ang misa, sumama ako sa aking ka room mate at ibang mga kaibigan sa bahay ng isa pang kaibigan. we had dinner, (shempre tikim na lang ako dahil lumafang na kami earlier eh diet nga ako diba?) had a few drinks then headed for home at around 10:30 in the evening. akala ko makakatulog na ako. finally! sabi ko sa sarili ko. sa totoo lang, pang apat na araw ko na toh na hindi natutulog, parang mga 3 hours lang ang tulog ko sa buong 4 na araw na yan. hindi talaga ako makatulog kahit anong pagod ko. i even started taking valiums to calm my nerves and i thought that would amke me sleep, pero hindi pa rin. you might be wondering why im taking valiums. i'll let you in sa secret ko... wag nyo ipagkakalat ha...
Read More...
You need to be a member of BuladaSphere to add comments!
Join this Ning Network