BuladaSphere

The Pinoy Blogoshere's Social Bilibid

Alas kwatro pa lamang ng hapon ay naghihintay na kami ni Jentot sa pinagkapipitagang poging(ilo)cano. Ngunit alas kwatro y medya pa lang ng hapon nang makatanggap ako ng tawag mula sa kanya, ipinapaalam samin na kasasakay nya pa lamang ng pampublikong "ban" (tagalog ba ng van? hindi ko alam eh hahaha) na byahe patungong langit este Sharjah ( ang lugar na kinatatayuan ng aming mga paa at kinatitirikan ng aming mga tahanan ni Jen) Ipinabatid nya sa aming alas singko y medya pa sya makkarating. kaya't habang naghihintay sa kanya, nagpa-ikot-ikot kami sa megamall, nag fudtrip ng kaunti: mais, french fries at ice cream.


...missed call from JEN....( shempre hanggang pa miscol lang kami para sya ang tumawag dahil nagtitipid kami sa load. at isa pa..sya ang pupunta, sya ang maliligaw kung saka-sakali kaya tama lang na sya ang may load para tumawag hahaha)


...ring...ring....Ilocano calling..


Ilocano: Dito pa lang ako sa....(nakalimutan ko yung lugar na sinabi nya)
Ako: anong oras ka kaya makakarating?
Ilocano: Di ako sigurado eh. umuulan ba jan? umuulan dito sa abu dhabz eh.
Ako: wala naman ulan dito.
Ilocano: cgeh, tawag na lang ako pag malapit na ko.
Ako: ok. ingat.


-end-


alas sais na ng gabi nang biglang pumatak ang ambon mula sa malaking gripo ng kalangitan. "patay!" aking nasambit. " san antin dadalhin ang ilocano, umuulan!" nababagabag na tanong ko kay kabalitaktakang Jen. sapagkat ang orihinal na plano ay dadalhin namin sya sa AL Qasba, kung saan may PERIS WIL (ferris wheel) (dito ko ipapasakay at ipapaikot-ikot si Jen hanggang sa mahilo at mawala ang takot nya sa matataas na lugar) at fishing-fishing este boating-boating pala (dito kung saan maaring mamingwit ang Ilocano ng Pato (pakistani) at Ititk (indyano) na pwede nyang i-teyk home) ahihihihi maganda din ditong mag petyur teyking. pero dahil nga sa umulan (mukhang may balat ang ilocano), erase-erase muna ang Al Qasba no choice kundi tumambay sa walang wentang Megamall.



Read more...

Share 

Comment

You need to be a member of BuladaSphere to add comments!

Join this Ning Network

© 2009   Created by Gugol Supreme on Ning.   Create a Ning Network!

Badges  |  Report an Issue  |  Privacy  |  Terms of Service