BuladaSphere

The Pinoy Blogoshere's Social Bilibid

Okay, may niluluto kaming malaking kalokohan na maaaring yumanig sa pundasyon sa mundong kinatutuntungan natin. (May danger na lumubog na nang tuluyan ang Marikina sa tubig kapag nangyari ito ayon sa PHILVOLCS.)

Isang Chain Blog Mail Project.

Anu daw? Nasisiraan na ba kayo ng bait? Unfortunately, hindi pa.

Alam mo naman siguro yung mga chain mail diba? Parang ganito yun kaya lang blog entry yung ipapadala through snail mail at laging one-and-only-one lang ang recipient.

Ito ang Sos Yan Chainblogmail Project - or SYCP for short (I love acronyms).

Saka na natin pag-usapan yung history kasi nangyari na yun. Focus muna tayo sa magiging rules and mechanics ng project. Para naman makalarga na.

Anyway, pinaplantsa pa namin yung rules. So far, eto ang nabuo - c/o Meryl. Salamas! Mwah! Mwah (yung mga edits or dinagdag ko, nakaformat accordingly.):

Kahit sino pwedeng sumali.
Mag-register lamang sa pamamagitan ng pagsasubmit ng iyong totoong pangalan at address dito (sa pamamagitan ng comment, duh) sa ganitong format:

SALI AKECH!

Meryl Ann Dulce
123 Somewhere, Cheverloo
Philippines

RULES

1. Sisimulan ni Gugol ang chainblogmail. Ipapasa niya ito kay Mnel dahil ‘yun na ang napag-usapan. Huwag na kayo magulo.

2. Kapag natanggap ito ni Mnel ay obligado siyang picture-an at ipaalam na natanggap na niya ang sulat sa pamamagitan ng pagpopost ng blog entry tungkol dito pero hindi maaaring i-publish ang laman ng chainblogmail hanggang matapos ito sa petsang walang nakakaalam kung kailan.

3. Pagkatapos ni Mnel ay sa akin [Meryl] naman. Err? ‘Yun ang sabi ni Gugol.

4. Magpapaikot-ikot ang sulat na ito sa buong Pilipinas at pupunta din ito sa Minnesota (para sa sure na sure na kasali nang si Lavinia), hanggang sa madaanan lahat ng mga kasaling bloggers.

5. Syempre lahat ng madadaanan ay obligadong... okay, basahin niyo na lang 'yung number 2.

6. Isang buong bond paper lamang ang haba ng entry, handwritten. Pwedeng mas maiksi syempre, basta hindi lalampas dito.

7. Kasali si Juanes kahit hindi siya magregister. That’s an order (from Lavinia).

8. Kung sino man ang mahuli ay ibabalik ito kay Gugol upang maging opisyal ang pagtatapos ng ating kalokohan.

9. Kahit anong isulat mo, pwede. Kahit pa tungkol sa maliit mong birdie. Bawal lang manggago ng ibang bloggers. Respeto. Kahit na walang kuwentang tao yung ginago mo, mas ginago mo sarili mo.

10. Ganito ang magiging format ng bawat entry sa project (paalala: isang short bond paper lang! walang lalabis):

Blog Entry Number
Date
Title
Blog Alias
Main Blog Website at complete URL
*The rest of your entry here*




Hindi pa ito final. Bukas ang topic na ito for a few days para tumanggap ng comments/suggestions niyo. Salamat.

Share

Reply to This

Replies to This Discussion

Iniisip ko kung huwag na lang lagyan ng registration.

Yung tipong bahala ang blogger kung kanino niya ipapadala next (syempre dapat alam nung padadalhan kung ano yung ipapadala mo at naiintidihan niyang mabuti yung rules at mechanics).

Parang ganito:

1. Pagkatanggap mo ng mga blog letters, picture-an mo yung latest entry.
2. Gawa ka na ng entry mo. (Uulitin ko: Handwritten at sa isang short bond paper lamang.)
3. Kontakin mo yung gusto mong padalhan. Ipabasa sa kaniya ang mechanics na matatagpuan sa project website (gagawa tayo) at siguraduhing naiintindihan niya yun at sumasang-ayon siya.
4. Kunin ang full address ng iyong padadalhan.
5. Isama mo yung entry mo sa ibang entries sa chain blog at ipadala dun sa napili mong recipient (isang tao lang dapat). Ipadala mo lahat. Walang matitira sa iyo.
6. Through the whole process, ingatan ang chainblog project. Mahalin mo yan nang higit sa sarili mo. Just don't make love with it.
7. Gawa ka ng entry mo sa main blog site mo (na inindicate mo sa chainblog entry mo) na naglalaman ng ganito:

Title:

Sos Yan Chainblogmail Project Rumagasa sa (insert the name of your blogsite here)

Content:
Natanggap ko yung Chainblog mula kay (insert blog alias and url ng nagpadala sayo) at (ilagay dito yung naramdaman mo nung matanggap mo ito. Example: naihi ako sa salawal sa tuwa).

Eto yung latest entry niya:

(Insert picture of entry ng nagpadala sa iyo.)

Nakapagdag na ako ng entry at ipinadala ko na kay (insert blog alyas at url ng pinadalhan mo).

Reply to This

Kaya lang baka maputol yung chain kapag ginawa natin ito.

Pero since kelangang maglagay ng proof (through a blog entry ) na nareceive at napadala yung chainblog, mukhang feasible naman ito dahil madaling imonitor yung progress. (Kawawa yung magbebreak nung chain, pupunuin ng mura ang comment section ng blog niya. Bwahahaha!)

At siyempre, dapat may initial set of recepients para madaanan lahat ng kelangang daanan.

Tapos magset na lang tayo ng maximum number ng dadaanang bloggers para maipost lahat ng entries pagkatapos.

Gugol said:
Iniisip ko kung huwag na lang lagyan ng registration. Yung tipong bahala ang blogger kung kanino niya ipapadala next (syempre dapat alam nung padadalhan kung ano yung ipapadala mo at naiintidihan niyang mabuti yung rules at mechanics). Parang ganito:

1. Pagkatanggap mo ng mga blog letters, picture-an mo yung latest entry.
2. Gawa ka na ng entry mo. (Uulitin ko: Handwritten at sa isang short bond paper lamang.)
3. Kontakin mo yung gusto mong padalhan. Ipabasa sa kaniya ang mechanics na matatagpuan sa project website (gagawa tayo) at siguraduhing naiintindihan niya yun at sumasang-ayon siya.
4. Kunin ang full address ng iyong padadalhan.
5. Isama mo yung entry mo sa ibang entries sa chain blog at ipadala dun sa napili mong recipient (isang tao lang dapat). Ipadala mo lahat. Walang matitira sa iyo.
6. Through the whole process, ingatan ang chainblog project. Mahalin mo yan nang higit sa sarili mo. Just don't make love with it.
7. Gawa ka ng entry mo sa main blog site mo (na inindicate mo sa chainblog entry mo) na naglalaman ng ganito:

Title:

Sos Yan Chainblogmail Project Rumagasa sa (insert the name of your blogsite here)

Content:
Natanggap ko yung Chainblog mula kay (insert blog alias and url ng nagpadala sayo) at (ilagay dito yung naramdaman mo nung matanggap mo ito. Example: naihi ako sa salawal sa tuwa).

Eto yung latest entry niya:

(Insert picture of entry ng nagpadala sa iyo.)

Nakapagdag na ako ng entry at ipinadala ko na kay (insert blog alyas at url ng pinadalhan mo).

Reply to This

Ayos to.. parang sisterhood of the travelling pants.. hehehe

cge count me in.

Reply to This

ayokong ibigay ang address ko

si doc mnel, meryl at tisay lang pwedeng pagbigyan ko ng address ng bahay..


may alien complex ako..
maarte ako..

haha

Reply to This

Sige after ko kay FB ko na lang ipapadala tapos kay Lavinia mo ipadala FB, ayos ba?

FerBert said:
ayokong ibigay ang address ko

si doc mnel, meryl at tisay lang pwedeng pagbigyan ko ng address ng bahay..


may alien complex ako..
maarte ako..

haha

Reply to This

Onga pala, magsuggest na kayo ng mga idadagdag na rules or baka may gusto kayo baguhin o kahit ano para naman maiayos na ang launch! Apir!

Reply to This

wag nyo na isama si Juanes, mahirap kasi baka mag-inarte at sya pa ang mag-break ng chain. ahihiih.

sige basta ipadala nyo sakin yan gagawin ko. exciting!!!

Reply to This

Reply to This

RSS

© 2009   Created by Gugol Supreme on Ning.   Create a Ning Network!

Badges  |  Report an Issue  |  Privacy  |  Terms of Service