Sobrang tahimik na dito.
Alam niyo yung tumbleweed na nagpapagulong-gulong sa Looney Toons? Kahit iyon, wala dito.
Oo, sige. Guilty ako na hindi na rin nakakadalaw gaano rito. E, anong magagawa ko, busy e. Tapos kapag nagkakaroon ng pagkakataong dumalaw, wala ring bago.
Hindi ko maintindihan, tumigil ang interaksyon ng mga miyembro sa isa't isa. Walang nang nag-iisip na gumawa ng mga walang kabuluhang topic. Wala na ring sumasagot ng pawang katarantaduhan.
Wala na akong maisip na pakulo para maengganyo ang mga miyembro.
Sa tingin niyo, ano ba ang dapat gawin?
Kasi kung wala na rin lamang pag-asa ang site, itigil na natin ang kalokohang ito! ahahaha... Inaaksaya lang nito oras ko. Hehehe...
Tags:
Share
-
▶ Reply to This