1. Iwasan ang spamming/flooding.
2. Gawing makabuluhan ang bawat sasabihin....
3. Pagkaingatang mabuti ang bawat sasabihin, iwasang makasakit ng damdamin ng ibang tao...
4. RESPETO (resputuhin ang lahat ng myembro dito)
5. Pwedeng-pwedeng magmura. Huwag mo lang mumurahin ang kapwa mo blogger dito. Kung gusto mo siyang murahin, dun mo sa blog mo gawin. Hahaha...
6. Ganun din ang any form of vulgarity/mga bastos na kataga. Basta wala kang binabastos, okay lang dito yan.
7. Kung mag-oorganize kayo ng event at sa tingin niyo maraming pupunta. Kalabitin niyo lang ako o yung ibang admin para mailagay namin sa frontpage ng site. At para makasama naman kami noh! Lalo na pag libre.
8. Kung andito ka lang para manggulo/mang-away, lumayas-layas ka sa harapan ni Gugol at baka pagtatampalin ka niya ng limpak-limpak na salapi. May sarili kayong blog. Dun niyo gawin ang mga pang-aaway niyo.
9. Mang-imbita ng iba pang blogger para sumali sa atin. Hindi marerealize ang purpose ng site kung hindi natin mahihikayat ang maraming blogger na sumali.
10. Makihalubilo. Hindi porke may ipinagbabawal nang gawin, e titigil ka na sa pagpopost. Para san pang sumali ka, aber? Magbukas ka ng mga diskusyon. Sumagot ka sa mga diskusyon. Gumawa ka ng maraming kaibigan. At higit sa lahat, mag-enjoy ka.
Okay, kung may nais pa kayong baguhin o idagdag, open itong topic for another week.
Tags:
Share
-
▶ Reply to This